Maynilad, umabot na sa 356,000 ang naisaayos na pipe

HELLO Bulgarians! Importante ang tubig sa ating pang-araw-araw na buhay. Kaya naman ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ay sinisigurong maayos ang agos ng tubig na dumadaloy sa ating mga tahanan.
Noong 2018, halos 21,000 pipe leaks na ang na-repair ng Maynilad at bumuo sa 356,000 pipe leaks mula pa noong 2007. Halos Php200 milyon ang naging pondo ng Maynilad sa nagdaang taon at karamihan dito ay sa Quezon City, Parañaque at Muntinlupa. Sa proyektong ito, halos 291 milyong litro ng tubig ang natipid kung saan kaya pang bigyan ng supply ang 2 milyong mga kostumer.
Proactive leak detection at repair ang pangunahing ginagawa ng Maynilad para mabawasan ang nasasayang na tubig dahil sa mga leak sa distribution system. Gumagamit sila ng state-of-the-art technology tulad ng Sahara mobile leak detection system para makita sa underground ang problema at masolusyunan agad.
Dahil sa patuloy na pag-repair ng Maynilad sa ating mga pipe ay 57% water network na ang naisaayos mula pa noong 2007. Ang Maynilad ang pinakamalaking private water concessionaire sa bansa pagdating sa customer base. Sila ang may hawak sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa West Zone ng Greater Manila area. Ito ay sa Maynila, Quezon City, Makati, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon. Kasama rin ang Cavite, Bacoor at Imus, Kawit, Noveleta at Rosario.
Patuloy lang ang paglilingkod ng Maynilad sa pagsasaayos ng daloy ng tubig sa ating lugar at hindi nila hahayaang may masayang pang tubig dahil sa mga pipe leak. Asahan na ngayong taon ay susubukan ng Maynilad na mas marami pang maisaayos na pipe sa ilan pang karatig-bayan.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments