Sikat na Korean actress, naka-face-to-face… LEE SEUNG GI, PINAAMIN TUNGKOL KAY Son Ye Jin, NATARANTA
- Lee Vin Nia
- Jan 15, 2019
- 2 min read

ANG daming natuwa sa katatapos lamang na episode ng Korean variety show na Master in the House last Sunday dahil ang nagsilbing “hint fairy” ay ang sikat na MC (emcee) at mentor ni Lee Seung Gi sa variety field na si Kang Ho Dong.
Ang “hint fairy” ay ang tinatawagang tao ng mga cast members sa simula ng episode para magbigay ng hint kung sino ang kanilang master for that particular episode.
Kahit boses lang ang narinig kay Kang Ho Dong like all other hint fairies na napanood in the previous episodes, nakakatuwang panoorin ang banter nila ni Lee Seung Gi at ang pangangantiyaw niya rito.
Sa simula ay sinisikap ni Ho Dong na ibahin ang boses niya para hindi siya makilala ni Seung Gi pero hindi niya ito napangatawanan kaya nabosesan din siya at sumigaw ng “Seunggi-ah” na madalas niyang gawin sa Two Days and One Night.
At sa halip na ang cast ang magtanong sa kanya, si Kang Ho Dong ang nag-interview kay Lee Seung Gi na ginagawa na rin niya noon pa sa kanilang mga shows na pinagsamahan.
“You know the trend for shows these days is being honest. Can I ask you things like something that I’m so curious about or something that makes my heart race? Can I say such things on television?” sabi ni Kang Ho Dong kay Seung Gi.
Sagot naman ni Seung Gi, “You’re going to ask me anyway, so go ahead.”
“I saw your ‘porn acting’ with your master Lee Soon Jae and that was really memorable, but I also heard you celebrated your one-year anniversary on the show. So, I’m really curious. This is just something I’m personally wondering. Tell me, how was it, seeing Son Ye Jin in person?” tanong ni Ho Dong.
Si Son Ye Jin ay sikat na Korean actress na naging master kamakailan sa Master in the House bilang selebrasyon sa first anniversary ng show. Makikita nga sa naturang episode na talagang nataranta si Seung Gi sa kanya.
Sabi pa ni Ho Dong, “I know Seung Gi really well, and it was my first time seeing that kind of expression on his face.”
Sagot naman ni Lee Seung Gi, “If you were that curious about something like this, you should have asked me personally. What is this, asking me on broadcast?”
Sinagot naman ito ni Ho Dong ng “Oh, I just thought of it just now.”
Kahit sa telepono lang magkausap ang dalawa ay kitang-kita pa rin ang rapport nila na talaga namang nami-miss ng kanilang mga fans since matagal na silang hindi nagkakasama.
Aside from Lee Seung Gi, kasama rin sa Master in the House as cast members sina Lee Sang-Yoon, Yang Se-Hyung and Yook Sung-Jae. Napapanood ito every Sunday sa SBS Network.
Samantala, that Sunday also ay ipinagdiwang ni Lee Seung Gi ang kanyang 33rd birthday (Korean age). It was a working birthday for the Korean superstar dahil nag-taping siya ng Vagabond that day hanggang hatinggabi.
Binati naman siya ng kanyang libu-libong Airen (official name ng fans club ni Seung Gi) fans around the world via social media but at the same time ay nagkaroon din ng fan support ang Lee Seung Gi Korea with World Airen (LSGKWA) sa filming site wherein 15 countries participated including the Philippines.





Comments