top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Natural elements,70‘s chic, matte finished etc...IBA‘T IBANG DISENYO NG BAHAY NA PATOK NGAYONG 2019

  • Hiraya
  • Jan 14, 2019
  • 2 min read

‘NEW Year, new home’? Hmmm… puwede! May plano ka bang magpatayo ng bahay o bet mong magpa-renovate? Siyempre, hindi mawawala ang mga rekomendasyon para sa inyo na tiyak ay patok ngayong taon. Alamin ang mga mauusong design ng bahay ngayong 2019:

1. NATURAL ELEMENTS. Patok ang paglalagay ng natural elements sa inyong mga tahanan ngayong taon dahil sa umuusbong na teknolohiya, siguradong relaxing vibes ang maibibigay ng natural elements sa pagpasok ninyo sa inyong tahanan. Copy?

2. VELVET FURNITURES. Bagama’t, nauuso ang velvet sa mga damit, ayon sa mga eksperto, dahil sa multi-dimensional na tela nito, bagay din itong maging tema ng kagamitan sa bahay. Gayunman, magiging patok umano ang temang ito sa mga millennial. Kaya mga bagets, alam n’yo na, ha?

3. BLACK & WHITE. Ayon sa mga eksperto, ang kulay itim at puti ay nakapagbibigay ng balanse sa hitsura ng bahay, gayundin, ito ang pinakasimpleng disenyo na maaari ninyong gamitin kung kayo ay minimalist at walang time sa pagde-decorate. He-he-he!

4. BURNT YELLOW. Ang kulay dilaw ay nagrerepresenta ng kasiyahan at kumpiyansa. Kaya mga lodi, ang paggamit ng nasabing kulay bilang ‘accent’ sa inyong tahanan ay makatutulong upang maging masaya ang ambiance ng inyong bahay.

5. MATTE FINISHED. Mula sa gadgets, cosmetic products at maging sa kotse, patok ang matte finished dahil sa ‘classy’ effect nito, gayundin, ang matte finished na uri ng pintura sa bahay ay may parehong epekto na makapagbibigay din ng sense of dignity at grace sa inyong tahanan.

6. 70’s CHIC. Yup! Ang mga disenyo mula noong 1970’s ay patok pa rin hanggang ngayong 2019. Ang funky texture at abstract silhouette ay nakapagbibigay ng kakaibang personalidad sa inyong bahay. Inirerekomenda ng mga eksperto ang ganitong uri ng disenyo sa sala at mga kuwarto.

7. AGATE WALLPAPER. Bagama’t, nagsimula ang paggamit nito noong nakaraang taon, mas mauuso pa ngayong 2019 ang ganitong uri ng disenyo, lodi! Bukod sa mas madali itong ilagay, ang hindi pagkakaroon ng pattern nito ay bagay sa bold at natural trends.

Siguradong may napili na kayong design sa mga rekomendasyong ito, mga lodi! Make sure lang na panatilihin ninyong malinis ang inyong tahanan nang sa gayun ay mas masarap itong uwian. Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page