Nag-uwi ng kabit si mister
- BULGAR

- Jan 14, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Lyn ng Lyn_ Tonpano@facebook.com
Dear Professor,
Nanaginip ako na dinala raw ng asawa ko ‘yung kabit niya rito sa bahay namin. Sa sobrang galit ko ay ipinagtulakan ko raw silang dalawa, pinaghahampas at sinasampal ko raw sila at ‘yung asawa ko inuntog ko raw ang ulo sa pader at nagdugo ‘yung ulo niya. Ano ang ibig sabihin ng aking panaginip?Salamat!
Naghihintay, Lyn
Sa iyo Lyn, Tama lang ang nangyari sa panaginip mo. Talagang dapat lang na magalit ka sa mister mo dahil sobrang lakas ng loob niya na dalhin sa bahay ninyo ang kabit niya at ang kabit naman niya, sobra rin ang lakas ng loob na sumama sa mister mo sa inyo.
Itulak, hampasin at iuntog ang ulo sa pader hanggang sa magdugo. Ang lupit, ‘di ba? Kaya tulad ng nasabi na, tama lang ang naging reaksiyon mo.
Ang tunay na asawa ay may karapatang magalit, kapag ang mister niya ay nag-uwi ng kabit sa kanilang bahay. Gayundin, dapat lang na ipaglaban ang kanyang dignidad, dangal at pagkatao laban sa mga kabit.
Pero, madalas, ang mga kabit ay mas matapang pa kaysa sa tunay na asawa na para bang siya pa ang nasa tama at ang tunay na asawa ang nasa mali. Nakagugulat nga ang mga nababalitaan natin na ang kabit ay parang sila pa ang walang kasalanan at ang tunay na asawa ay ang may kasalanan.
Pero, ang tanong, magawa mo kaya ang mga pangyayari sa iyong panaginip? Ang itulak, hampasin, sampalin at iuntog ang ulo ng mister mo sa pader hanggang sa magdugo? Ano sa palagay mo, kaya mo kaya?
Siyempre ang sagot, oo! Eh, ano ba ang sabi ng iyong panaginip? Ayon sa iyong panaginip, hindi mo ito magagawa. Bakit? Dahil sa naganap na, as in, nangyari na sa panaginip kaya hindi na magaganap pa o hindi na mangyayari pa sa tunay na buhay. Ito ang masaklap na balita, mahirap mang tanggapin, pero ito ang kahulugan ng iyong panaginip.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo
del Mundo





Comments