top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Di basta artistang sunud-sunuran lang… DINGDONG, UMAMING NAKIKIALAM SILA NI DENNIS SA ISTORYA

Nitz Miralles
Jan 13, 2019
2 min read

MAY isyu palang baka umalis si Dingdong Dantes sa GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN at may nagtanong pa nga kung paano siya sa Kapamilya Network kung nandu’n si Coco Martin na Primetime King ng network?

Tamang-tama at nainterbyu namin si Dingdong sa taping ng Cain at Abel at isa sa mga naitanong ang tungkol sa paglipat niya ng network. Mag-e-expire na kasi ang kontrata ni Dingdong sa GMA Network sa January 16, kaya ang tanong ay kung magri-renew ba siya ng kontrata?

“Sa papel na lang pagtatalunan ‘yan dahil ang pagiging Kapuso ko ay habambuhay. The rest, technicality na lang and I’m letting my manager take care of that. Hindi pumasok sa isip ko ang lumipat. Ito na ang tahanan ko, dito na ako lumaki at araw-araw, nararamdaman ko ang pagmamahal nila sa akin.

“I’m just grateful na kahit saan ako magpunta, ‘andun ang warmth at respeto. Ipinagpapasalamat ko na pinayagan nila akong mag-explore, to make movies outside of the network. I really owe it to them,” sabi ni Dingdong.

Isa pang ipinagpapasalamat ni Dingdong ay ang chance na ibinigay sa kanila ni Dennis Trillo na payagan silang makipag-collab sa Creative team at writers ng Cain at Abel. Nakikipag-meeting sila ni Dennis kung saan nagbibigay at nagse-share sila ng input para sa mas ikagaganda ng eksena. More to come pa raw, kaya patuloy lang sumubaybay.

Maraming naka-line-up na pelikula ang gagawin ni Dingdong, kasama ang sa Viva Films at sa sariling film outfit niyang Agosto Dos. Habang hindi pa nagsu-shooting, sa bahay muna siya para bantayan si Marian Rivera na sa summer na manganganak.

Wala pang napiling pangalan sina Dong at Yan sa kanilang baby boy. Basta excited na silang lahat sa pagdating nito. Pati nga si Zia, inaayos ang magiging higaan ng baby brother niya at super excited na ito sa kapatid.

Speaking of Zia, sasabay ang TVC niya ng powdered milk product sa TVC ng parents niya. Launching ng nasabing TVC ni Zia this Sunday.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page