top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kalat na: KASALANG JENNYLYN-DENNIS NGAYONG 2019

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 12, 2019
  • 1 min read

NAPANOOD namin sa Sarap Diva ang hula ng fortuneteller na si Mr. E para sa ilang Kapuso celebrities at isa na rito si Jennylyn Mercado.

“Ang kailangan lang ni Jennylyn ay huwag pagurin ang sarili dahil umuulit ang isa niyang sakit,” pahayag ni Mr. E.

Hindi naman tinukoy ng fortuneteller kung anong sakit ito, pero ang alam lang naming madalas inirereklamo ni Jen ay ang kanyang sakit ng ulo at ang fatigue na rin dahil sa sunud-sunod na trabaho.

Pero sa love life, ayon sa manghuhula ay masuwerte si Jen dahil pakakasalan ito ng mahal nito na as we all know ay si Dennis Trillo.

Well, let’s see kung magkakatotoo ang hula na mag-aasawa na si Jen this year.

Samantala, ngayong Sabado ay mapapanood si Jen sa Magpakailanman bilang si Bog, ang lesbian na nagbuntis at nanganak sa episode titled Confessions of a Lesbian Wife kasama si Sheena Halili.

Ito ang unang pagkakataon na gaganap si Jen bilang lesbian at ito rin ang pagbabalik niya sa MPK after 5 years. Kaya, masaya ang aktres na ito ang pangbuwena-manong project niya for 2019.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page