Kabado 'pag dumadaan sa Crame… BONG, KUMANTANG NAGKA-PHOBIA SA MGA PULIS

DALAWANG bagay ang tiniyak ni Bong Revilla, Jr. na gagawin at mangyayari sa kanya this year.
Una, ang muli niyang pagtakbong senador sa midterm elections. Sabi nito, wala sana siyang balak tumakbo, pero nakita at naramdaman niya ang mainit na pagtanggap sa kanya saanman magpunta, hindi lang sa Cavite.
Isa pang nagtulak kay Bong na tumakbo ay ang survey result. Kahit noong hindi pa siya nakakalabas ng Camp Crame at sinabi pa lang na acquitted siya, tumaas na siya sa survey at hanggang ngayon, nasa Top 10 siya.
“Ang tao, hindi bumitaw, mahal pa rin nila ako. Kaya sabi ko, pag-aralan natin. Wala akong intention tumakbo, ang hinihingi ko lang, makalabas ako. Kundi ko nakita ang survey, hindi ako tatakbo,” sabi ni Bong.
Ang isa pang tiniyak ni Bong ay ang pagsali sa 2019 MMFF at 100 percent sure na ito. Wala pa lang binanggit na project si Bong.
“Bangungot” ang description ni Bong sa nangyari sa kanya. Ayaw na niyang maranasan uli ito at mangyari sa iba.
Dahil din sa pagkakakulong, nagka-phobia si Bong sa mga pulis. Kumakabog daw ang dibdib niya ‘pag dumadaan sa Camp Crame, pero alam niyang mawawala rin ito.





Comments