top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magsasaka tinodas ng pamangkin

Pabs Hernandez III
Jan 8, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng kanyang pamangkin kamakalawa sa Bgy. Paraiso, Tulunan sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Angelito Castaños, samantalang, ang suspek ay si Narito Polvera, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nagkaroon ng pagtatalo sina Castaños at Polvera tungkol sa sinasaka nilang lupa na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.

Nabatid na namatay sa mismong pinangyarihan ng krimen si Castaños, samantalang, kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page