top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya make sure na bibili ka ng isa sa mga ito, lodi! MGA MASUSUWERTENG BRACELET NGAYONG 2019

  • Donna Thea Topacio
  • Jan 6, 2019
  • 2 min read

TAYONG mga Pinoy madalas, eh, na­niniwala tayo sa mga bagay na pam­pasuwerte, kaya ngayong Year of the Pig, narito ang ilang lucky charms na maaari nating bilhin upang suwertehin:

1. TRADITIONAL RED ORNA­MENTS. Simula pa noong Tang Dynasty, ang mga Intsik ay nagsusuot na ng red orna­ments tulad ng lucky charms, red rope brace­let, belt, ribbon, socks, scarf, gloves, hat at kahit pa underwear, ito ay dahil naniniwala sila na ang kulay na ito raw umano ay na­kapagtataboy ng evil spirits. Ang kulay pula ay festive color na kumokontra sa mga negatibong enerhiya. Hmmm…

2. BUDDHIST PROTECTOR FOR PIG. Ang bawat zodiac sign ay mayroong Buddhist protector na tumatayo bilang guar­dian natin.

Ngayong taon, pig ang Buddhist protec­tor na kailangan natin dahil nakapag­bibigay ito ng magandang fortune, nakatu­tulong upang maiwasan natin ang mga dis­grasya lalo na sa pagmamaneho, gayundin mainam ito para sa ating kalusugan, edukas­yon, ka­yamanan at kasikatan. Woah!

3. SAN HE OR LIU HE BRACE­LETS. Ito ang lucky charm na nakai-im­prove ng fortune at nakapagpapalapit ng mga taong matulungin. Sa lahat ng zodiac signs, ang bawat isa sa kanila ay hinati sa apat na grupo ng three animal allies, bud­dies, friends o mas kilala bilang San He na mayroong “three harmonies” o “triple harmony” at ito ay kumbinasyon ng light at righteousness. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Bili na tayo! Hi-hi-hi!

4. PI XIU / PI YAO. Ito ang lucky charm na mayroong ulo ng Chinese dragon kung saan ito ang magdadala sa atin sa tamang landas ng pagpapayaman, gayundin tinata­boy nito ang mga negatibong enerhiya na maaaring humadlang sa ating pagpapaun­­lad ng kabuhayan.

Dagdag pa rito, kung sakaling wala ka nito sa kasalukuyan at nagkaroon ng gulo ang iyong buhay, kaya nitong palitan ng good fortune ang iyong kapalaran. Kaya para sa mga negosyante r’yan, alam n’yo na, ha? Walang masama kung maniniwala. Okie? He-he-he!

5. LUCKY BEADS BRACELETS OR NECKLACES. Ito ay gawa sa gold, silver, jade at red silk thread. Ang lucky beads ay sumisimbolo sa good fortune. Ga­yun­man, ang function ng bawat beads ay naba­base sa material nito.

Ang golden lucky beads ay para sa good luck for wealth and po­wer, ang silver ay para sa good health and wealth, ang jade ay para sa pagkakaroon ng magan­dang balat at nakape-prevent ng iba’t ibang sakit habang ang red silk thread ay proteksi­yon laban sa mga masasamang espiritu.

Oh, ayan, mga beshy, tara na sa Quiapo at bumili ng lucky charms para umasenso ang ating buhay ngayong taon.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page