top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mula sa panibagong taon hanggang sa huling yugto ng panahon... KATARUNGAN PARA SA IKAISANDAAN AT PIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 4, 2019
  • 4 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

TILA may kung anongmahika na dala ang pagpasok ng Bagong Taon sa damdamin ng tao.

Humahaplos ito sa mga nasirang lungkot o nanlumo sa mga pagsubok upang muling magkaroon ng giting na magpatuloy sa buhay nang may sigla at pag-asa, hindi lamangbasta naglalakbay sa araw araw.

Masasabi nating sa pagsisimula ng Bagong Taon ay may nagwawakas na yugto nang pighati, sakit at lumbay. Dahil dito, may mga lumalayang damdamin at nagiging bukas muli sa saya at iba pang hatid ng positibong emosyon.

Kung ganito rin sana ang pagsalubong ng taong 2019 sa pamilya Briones ng Pampanga, sana, ang kanilang buong pamilya ay na balot din ng saya.

Sa kasamaang-palad, hapdi at lumbay ang namagitan sa kanilang buong pamilya dahil sa sinapit ng kanilang pinakamamahal nang pagkawala ni Justin. Ito ay walang iba kundi si Dra. Rolaiza Singayao, isang internal medicine expert na kasalukuyang nagtatrabaho sa Ministry of Oman.

Siya ay tubong Davao at may dugong Muslim at nananalaytay sa puso niyang buumbuo ang pagka-Pilipino at tunay na nagmamahal sa bansa at sa mga anak ng bayan.

Tama na inirekord ni Dra. Singayao ang mga datos hinggil kay Justin Briones,ang ikaisandaan at pitong (107) biktima ng naturang bakuna na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team (PAOFT). Ang nasabing mga datos ayang mga sumusunod:

1. Si Justin ay Dengvaxia vaccinee na tumanggap ng tatlong doses ng nabanggit na bakuna. Walang informed consent mula sa kanyang mga magulang bago siya nabakunahan.

Si Justin ay labindalawang (12) taong gulang at siya ay namatay noong Enero 1, 2019 nang 11:55 ng umaga. 2. Si Justin ay hindi nagkaroon ng Dengue infection.

Hindi rin siya nagkaroon ng matinding karamdaman atwalang kasaysayan o rekordng pagkakaospital.3. Noong nakaraang taon, si Justin ay nagsimulang makaramdam ng “on and off” na sakit ng ulo, abdominal pain, paghihirap sa paghinga at nagkaroon din siya ng lagnat.

Nagpatuloy ang ganitong kondisyon niya hanggang noong Disyembre 31, 2018 nang siya ay na confine sa Intensive Care Unit (ICU) kung saan siya na-intubate.

Hindi natapos ang isang araw (24 oras) mula nang siya ay ma-admit sa ospital, si Justin ay binawian ng buhay. 4. Ang initial forensic examination findings kay Justin ng PAOFT: multiple organ enlargement, multiple organ bleeding and extensive brain hemorrhage.

Ang sumusunod ay bahaging mga tala ni Dra. Singayao hinggil sa pahayag ni Dr. Atty. Erwin Erfe, Director ng PAOFT matapos ang ikaisandaan at pitong(107) forensic examination:

1. Ang history na nasataas ay halos pareho sa naunang ikaisandaan at anim (106) na kaso na na-examineng PAOFT. 2. Pang ikaisandaan at pitong (107) kaso sa estimated na anim na raang (600) pagkamatay ng mga nabakunahan.

Ang iba ay hindi nagpa-examine matapos mabayaran ng Department of Health (DOH) at makuhaang original Dengvaxia cards ng mga nasawi. 3. May conservative estimatena umabot na sa dalawampung libo (20,000) ang nagkakasakit at na-admit na vaccinees.

Sa isang ospitalpa lang, noong 2018 ay maynaitalang apat (4) na libong na ospital na Dengvaxia victimsna. 4. Patuloy ang DOH secretary sa pag-cover-up at hindi pag-amin na “hindi ligtas ang Dengvaxia”.

Patuloy na itinatago ang masterlist ngmga nabakunahan.5. Sa Pilipinas, nagturokng experimental na bakunasa halos isang (1) milyong kabataan.

Tayo ang nag-iisasa mundo na gumawa nitokaya maraming kabataan ang binawian ng buhay dito.

Kaya hindi tama at hindi natin kailangan ng mga foreign expert para sila ang magpahayag kung Dengvaxia nga ang ikinamatay ng mga bata.

Bakit? May naautopsy ba silang ganito karami?

May na-autopsy ba silakahit isa? May deklarasyon na ang SANOFI sa “submission for authorization” nilang Dengvaxia tungkol sa apat na “identified fatal risks”: “anaphylactic allergic reaction, viscerotropism, neurotropism at increase inseverity of dengue disease”.

Dapat ay “therapeuticexpert team” ang magdedeklarang mga gamot na lulunassa mga side-effect ngDengvaxia at hindi ang teamna consultants ng DOH naaalamin pa lang ang side-effects na dahilan ng kamatayan ng mga Dengvaxia victims. 6. Kumpirmado ng forensic examination ng PAOFT ang ini-report na adverse effects ng Sanofi. 7. May panawagan na mag-intervene na ang Malacañang at magbigay nang direktiba sa DOH para bumuong medical teams tulad nito:

“Medical Teams manned by different specialties to a scertain best diagnostics, management protocols and studies to effectively intervene, monitor, help ensure and promote the well-being, curb the development of adverse effects and save lives of the youth”.

May mga kasunod pang request para sa forensic examinations ng PAOFT. Hindi ito ang gusto naming pagsalubong ng 2019 sa atin lalo na ng pamilya ng mga pumanaw na mga biktima.

Ngunit, ang katotohanan sa nagingsanhi ng kanilang kamatayanay kailangang malaman. Ang laban para sa katarungan hinggil sa sinapit nila ay kailangang ipagpatuloy dahil itoang tama at nararapat.

Ang PAO, PAOFT, mgamagulang at kamag-anak ngmga biktima, mga tagasuporta sa adbokasiya para sa mga biktima, mga propesyunal lalo na ng mga doktor (tulad ni Dra. Singayao) nakasama natin sa labang ito ay patuloy na tutugon sa tawag ng katarungan, katotohanan at tunay na diwa ng paglilingkod-bayan sa lahat ng oras — mula sa pagpapalit ng taon hanggang sa huling yugto ng panahon. (Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page