Pahiwatig na magiging mayaman sa kulay pula

Salaminin natin ang panaginip ni Marydyn ng Marydyn_Baloy@facebook.com
Dear Professor,
Nanaginip ako na kinukulayan ko raw ng pula ang aking buhok, tapos pagtingin ko sa salamin, nakita ko na ang dami ko palang puting buhok.
Pero, nang magising ako, kulay itim ang buhay ko. Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Marydyn
Sa iyo Marydyn,
Kung gusto mong magtagumpay sa buhay, ang payo sa iyo ay makisakay ka sa agos ng panahon. Ang pormulang ito ay mas applicable sa negosyo, kumbaga, kung ano ang gusto ng mga tao, ‘yun na mismo ang ibenta mo.
Dahil ito ang sikreto kung paano liligaya ang tao, ito ang dapat mong gawin kung kontra ka nang kontra, siyempre, hindi ka magiging masaya.
Kung angal ka nang angal, baka wala kang makasama at kung palagi kang nakasalungat sa ginagawa ng marami, baka layuan ka ng mga tao.
Pero, dahil “pula” ang kulay ng iyong buhok sa panaginip, malinaw na ito ay payo kung paano ka kikita ng malaki sa negosyo man o sa trabaho.
Pagmasdan mo ang mga tao lalo na ang kababaihan, matanda, dalaga, bata, may asawa o wala, gustung-gusto nilang kulayan ang kanilang buhok dahil ang pakiramdam nila, kapag nasa uso sila, sasaya at gaganda ang kanilang buhay.
Tingnan mo rin ang mga negosyong maunlad at papaunlad pa, may matutuklasan kang lihim ng tagumpay na ang red o pula pala ay kulay na pampabuwenas.
Ang panaginip mo ay nagsasabing, gawin mong paboritong kulay ang pula dahil sure na darami ang iyong kikitain.
Pero, bakit mo nga ba gagawin ang hindi mo gusto? Ang sagot ay nagsasabing, ang talagang gusto ng lahat ng tao ay umunlad ang kanilang buhay at ayon sa paniginip mo, pula ang gamitin mong kulay dahil tulad ng nabanggit na, maaaring umasenso ang buhay mo at tuluyan ka nang yumaman.
Muli, sakyan mo ang agos ng buhay at makaaasa ka na dadalhin ka nito kung saan abot-kamay mo na ang tagumpay.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments