Para maiwasan ang pagkakaroon ng kati-kati, pantal atbp… PAG-AALAGA NG HAYOP, KERING MAKAWALA NG ALL
- Jersy Sanchez
- Jan 2, 2019
- 2 min read

IPINAGBABAWAL ng mga nakatatanda ang pagkakaroon ng mga alagang hayop kapag mayroong bata sa tahanan dahil nakati-trigger daw ito ng iba’t ibang klase ng sakit. Pero, knows ba ninyo na ang pagkakaroon ng mga alagang hayop ay may health benefits din? Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga eksperto, ang pagkakaroon ng tatlo hanggang limang pets ay nakatutulong para hindi magkaroon ng asthma ang mga bata.
1,200 kabataan na nasa edad pito hanggang siyam ang sinuri ng mga researcher. Kabilang sa pag-aaral ang isang survey kung saan nakapokus ito sa pagkakaroon ng alagang hayop sa kani-kanilang tahanan at kung nagkaroon sila ng asthma, eczema at allergy.
Kabilang din sa pagsusuri ang medical records ng kalahok at survey sa mga magulang kung nakaranas ng asthma, eczema o allergy ang mga ito.
Napag-alaman ng mga researcher na kapag mas maraming alagang hayop ang bawat kalahok ay may mas mataas na tsansa na makaiwas sila sa mga nabanggit na kondisyon nang 20 porsiyento.
Samantala, ang mga kalahok na hindi nagkaroon ng alagang hayop ay may 49 porsiyento na tsansa na magkaroon ng mga kondisyong nabanggit.
Ayon kay Dr. Bill Hesselmar, professor sa University of Gothenburg, ang pagkakaroon umano ng allergic disease ng kabataan na nasa edad 7 hanggang 9 ay nababawasan depende sa dami ng alaga nilang hayop noong sila ay nasa edad 1 hanggang 6.
Maliban pa rito, napoprotektahan ng mga alagang hayop ang mga bata mula sa mini-farm effect na nagdudulot ng allergy, asthma at eczema.
Ang mga aso’t pusa ay mayroong microbes na nakatutulong upang mag-function nang mabuti ang immune system ng bawat bata.
Ayon sa mga eksperto, ang immune system ng kabataan ay kailangang ma-exposed sa balahibo nang sa gayun ay masanay ang mga ito na hindi maging sensitive.
Ngunit, ang payo ng mga eksperto, siguraduhin ninyo na well-trained ang mga alagang hayop nang sa gayun ay maiwasan ang labis na paghaharot ng mga ito at makaiwas sa anumang posibleng pananakit.
Oh, ayan, mga mamshie, dehins n'yo na kailangang mag-worry sa pagkakaroon ng pets dahil sa health benefits na dulot nito kay bagets. Huwag kalimutan ang mga payo ng eksperto.
Copy?




Comments