top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

TV host, iba na ang trip… WILLIE, WALANG PA-CHRISTMAS PARTY SA MGA STAFF NG SHOW SA SIYETE

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2018
1 min read

WALANG bonggang Christmas party ang staff and crew ng programang Wowowin, pero kahit papaano, namud­mod ng pamasko si Willie Revillame pati na sa kanyang mga co-hosts at dancers.

Maging ang mga event marshalls at guards ng GMA Network ay naka­tanggap din ng pamasko ni Revillame.

At ang mga studio audience na duma­rayo pa at galing sa malalayong lugar at grupu-grupong nanonood ng Wowowin ay may pamasko rin. Maging ang mga bata ay binigyan ng jacket at pamasko.

Bongga rin ang premyo ng nanalong choral group sa pa-contest ng Wowowin, ang Charole-rolling, kung saan winner ang Nueva Ecija Singing Ambassadors na tumanggap ng P250,000 cash price.

Twelve ang choral groups na pumasok sa finals. Ang second placer ay tumang­gap ng P20,000. Ang mga non-winners naman ay binigyan ng tig-P10, 000 each.

Samantala, sasamantalahin ni Willie ang Holiday break upang magpa-general checkup. Sa sobrang pagod niya sa teyping ng Wowowin ay halos ma­maos at nawalan na siya ng boses. Pero, masaya siya dahil kahit papaano ay napa­saya niya ang mga viewers ng Wowowin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page