Tae-kwondo, ginamit sa pananakit sa kapwa Ateneo students… SIGAW NG OLYMPIC CHAMPION NA SI MONSOUR S
- BULGAR

- Dec 23, 2018
- 2 min read

MARAMI pa rin ang shook sa nag-viral na bullying video ng Ateneo Junior High School student na isa palang gold medalist sa taekwondo.
Kaya pala ganu’n kalakas ang loob ng bagets na manakit at mang-bully, na of course, mali at hindi tino-tolerate ng Philippine Taekwondo Association.
Dahil sa natanggap na napakaraming tawag, minabuti na ng aktor-Makati congressman at secretary general ng Philippine Taekwondo Association na si Monsour del Rosario na maglabas ng official statement kaugnay ng naganap na pambu-bully ng 14-year-old student sa mga kapwa nito estudyante.
Nilalaman ng official statement ni Cong. Monsour, “Yes, none of us are perfect — we’ve all made our mistakes and should not judge people loosely. But to the parents of the bully, let’s be very clear here, this is as firm a judgement as you will ever get from me: Your son is a FAILED representation of our beautiful sport.
“Every aspect of the viral video was hideous, weak and unacceptable.”
Kinondena ni Monsour ang ginawa ng bata, pero may mensahe rin siya sa mga magulang nito, “RAISE YOUR CHILDREN BETTER. LET’S ALL RAISE OUR CHILDREN TO BE BETTER. LET’S RAISE OUR SONS — PARTICULARLY THOSE IN THE MARTIAL ARTS — TO BE GOOD MEN.”
May otoridad na magsalita si Monsour dahil isa itong Olympic champion sa larangan ng taekwondo na nagdala ng karangalan sa ‘Pinas.
Balitang nagreklamo na sa police station ang mga magulang ng batang nabiktima. Pero dahil pareho ngang minor ang mga sangkot, walang criminal case na puwedeng ipataw sa nang-bully kundi civil liability lang tulad ng pagsagot sa pagpapaospital ng kanyang biktima.
At dahil sa insidenteng ito, hindi lang sa batang nang-bully galit na galit ang ilang netizens kundi nabaling din ang pagkainis nila kay Sen. Kiko Pangilinan na author ng Republic Act 9344 or the Juvenile Justice Welfare Act of 2006 kung saan ang mga batang edad 15 pababa ay hindi puwedeng ikulong kahit pa nakagawa ng karumal-dumal na krimen tulad ng panggagahasa at pagpatay.





Comments