This is it! BARBIE AT JAK, TANGGAP NA NG PAMILYA NG ISA'T ISA


MUKHANG masaya ang darating na Pasko at Bagong Taon sa magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto dahil nagkakasama sila nang madalas kasama ang kanilang respective families.
Tanggap na tanggap na si Jak ng partidos ni Barbie and vice-versa. At habang nagtatagal ang kanilang relasyon ay lalong tumitibay ang kanilang pagmamahalan.
May bago ring serye sa GMA-7 na sila ang magkasama, ang Guadalupe. For sure, wala nang mahihiling pa si Barbie sa Pasko dahil lucky and happy na sa love life, umaariba pa ang kanyang career.
Mahilig daw sa jacket si Barbie, kaya tiyak, jacket ang ireregalo sa kanya ni Jak.





Comments