PCSO kasama ang PN at DENR sa pagsagip kay Mother Earth

HELLO, Bulgarians! Bago matapos ang 2018, sinigurado muna ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasama ang Philippine Navy (PN) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na malinis ang coastal area sa paglinis dito.
Sa lumalaking populasyon ng Pilipinas, lumalaki na rin ang basura ng ating bansa. Hindi na mapigilan ang mga taong nagtatapon ng basura kung saan-saan. Hindi lang tayo ang mga naaapektuhan sa ganitong maling gawain kundi pati na rin ang mga hayop na naninirahan sa dagat kaya hindi ito pinalagpas ng halos 100 volunteers ng PCSO, PN at DENR sa paglinis ng Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA), isang nature reserve situated south ng Manila Bay. Sumama rin sina PCSO GM Alexander Balutan, PN Grp. Comm. Col. Nestor Marcelino at Chief of Staff Col. Raymundo Liwag.
Taun-taon itong isinasagawa ng PCSO na kasama sa kanilang Social Corporate Responsibility upang patunayang hindi lang sa pagbibigay ng medical assistance ang kayang ibigay ng PCSO kundi kaya rin nitong panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments