Mga pulis na laging nakabuntot sa mga pulitiko, sibakin!


PANSIN n’yo rin ba ‘yung napakaraming pulis na nakabuntot sa mga pulitiko?
Kahit paulit-ulit nang binalaan na bawal, hindi pa rin sila natitinag.
Ngayon, muling nagbabala ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga miyembro ng pulisya laban sa pagpapakita ng partisan political activity.
Ang pulis ay hindi dapat magbigay ng pribadong serbisyo sa sinuman, lalo na sa mga kakandidato sa 2019 elections.
Palibhasa, parang hindi na sila natatakot kahit sabihing may parusa sa mga ayaw sumunod.
Kahit sabihing puwede silang masibak sa puwesto.
Mahirap bang intindihin na ang mga miyembro ng PNP ay kasama sa mga taga-gobyerno na pinagbabawalang makialam o sumama sa kampanya o political activity alinsunod sa Omnibus Election Code.
Malamang, mas mahirap mawalan ng raket?
Paano tayo igagalang ng taumbayan kung ang higit na nakikinabang sa ating serbisyo ay ang mga pulitiko na imbes maging mabuting halimbawa ay sila pa ang pasimuno sa paglabag sa batas?
Utang na loob, magbabagong taon na naman, magbago na tayo!





Comments