Sa MMFF… KIM, MAS GUSTO ANG DATUNG KESA SA BEST ACTRESS AWARD


MALAKING pressure nga para kay Kim Chiu ang sinasabi ng marami na siya na ang tatanghaling Best Actress sa darating na MMFF 2018 Awards Night.
Excited at masaya si Kim sa mga papuri sa kanyang mga ginawang daring scenes sa One Great Love ng Regal Entertainment. Talagang nag-todo-effort si Kim sa kanyang acting sa filmfest entry na idinirek ni Eric Quizon.
Pero, hindi siya nag-i-expect ng anumang award. Mas gusto niyang kumita ito sa takilya at magustuhan ng mga moviegoers.
Thankful din si Kim na ang leading men niyang sina Dennis Trillo at JC de Vera ay gentleman at inalalayan siya sa kanilang mga eksena. Hindi na siya nailang sa mga love scenes.
Ang maganda kay Chinita Princess, willing siyang matuto pa at mag-improve sa kanyang acting skills. Target goal niya ang makilalang ganap na aktres, hindi bilang artista lang.





Comments