Tumawid, sapol sa kotse | LOLO DEDO SA PULIS

CAMARINES SUR — Isang 71-anyos na lolo ang namatay at sugatan naman ang kasama nito nang aksidenteng mabangga sila ng kotse na minamaneho ng pulis kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Nabua.
Kinilala ang nasawi na si Sopronio Panizal, samantalang, ang sugatan ay si Felix Delloro, 59, kapwa nakatira sa Bgy. Sta. Lucia.
Ayon sa ulat, bigla umanong tumawid ang dalawang biktima sa kalsada kaya nabangga ng kotseng minamaneho ni PO1 Resh Rempis, nakatalaga sa Naga City Police Station.
Dinala pa ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital pero, idineklarang dead-on-arrival si Panizal.





Comments