Relasyon niya kay Arjo, hinaharang daw… MAINE, PUMALAG SA MGA MAHILIG MANG-BULLY
- BULGAR

- Dec 10, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAY mensahe naman ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa mga taong mahilig mang-bully na ipinost niya sa kanyang Twitter account nitong Sabado (Dec. 8).
Aniya, “Bullies aren’t cool.”
Hindi naman tinukoy ni Maine kung sino ang kanyang pinaparinggan, karamihan sa kanyang mga fans ay naghihinala na may kinalaman daw ito sa pang-iipit sa phenomenal star ng GMA Network na aminin na ang relasyon sa aktor na si Arjo Atayde.
Kung matatandaan, kamakailan ay madalas mamataan na lumalabas ang dalawa. Nagkasama rin sina Arjo at Maine sa pelikulang Jack Em Popoy: The PulisCredibles na official entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2018.





Comments