Para sa mga dehins pa itong nasusubukan, read n‘yo ‘to, dali! TIPS PARA MAKUMPLETO ANG SIMBANG GABI,


MALAPIT nang mag-umpisa ang Simbang Gabi, hindi ka pa ba nakakukumpleto nito dahil madalas, eh, late ka nang nagigising o kaya naman ay hindi ka na nakaaabot? Huwag kayong mag-alala, mga lodi, dahil na- rito na ang tips para sa inyo upang tuluyan n’yo nang makumpleto ang Simbang Gabi ngayong Pasko:
1. GET SOME SLEEP. Given na ito, beshy, ngunit, hindi inirerekomenda na um-attend sa misa nang puyat o walang tulog dahil for sure, eh, matutukso kang matulog habang nasa misa.
Gayunman, bago ka matulog ay mag-set ka ng alarm upang hindi maging simbang banig ang iyong Simbang Gabi. He-he-he!
2. EAT BEFORE GOING TO MASS. Naging tradisyon na ang pag-aalmusal pagkatapos ng misa, ngunit, siguraduhin mo na may laman ang iyong tiyan bago ka pumunta sa misa upang makapag-focus ka sa homily ng pari at hindi sa tindang bibingka at puto-bumbong sa labas.
Kung hindi mo naman trip na kumain, puwede kang magkape muna nang sa gayun ay hindi kumalam ang iyong sikmura.
3. COVER-UP. Siguradong malamig kapag madaling-araw, kaya naman para matiyak mong matatapos mo ang misa, ugaliing magsuot o magdala ng damit-panlamig nang sa gayun ay maiwasan mong manginig. He-he-he!
4. BE PUNCTUAL. Upang makakuha ka ng magandang puwesto at maging komportable, mahalaga na dumating ka sa Simbahan, ilang minuto bago ang oras ng misa.
Huwag ugaliing ma-late kahit ilang minuto lang ‘yan, besh, dapat mong simulan at tapusin ang misa dahil pagbibigay ito ng respeto sa Diyos.
5. BE QUIET. Maging tahimik sa oras ng misa at ituon ang atensiyon sa homily. Kung may kasama kang magsimba, iwasan ninyong mag-usap habang nasa misa dahil pakikinig sa salita ng Diyos ang ipinunta ninyo sa Simbahan at hindi para magkuwentuhan.
Oh, ayan, mga lodi, sundin ang ilang tips na ito nang sa gayun ay makumpleto ninyo ang Misa de Gallo o Simbang Gabi para matupad ang inyong mga kahilingan sa buhay.
Oks ba ‘yun?





Comments