Magsasaka patay sa taga
Pabs Hernandez III
Dec 6, 2018
1 min read
LAGUNA—Isang magsasaka ang namatay nang tagain, kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Kalayaan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Apolonio Francisco, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, bigla na lang umanong pinagtataga ng suspek na nakilala sa alyas William ang biktima sa hindi malamang dahilan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.





Comments