top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Aktres, kahit tanggap na nina Vilma at Edu.. JESSY, NADULAS NA GAME NA, LUIS AYAW PANG MAG-PROPOSE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 6, 2018
  • 2 min read

INAMIN ni Jessy Mendiola na nu’ng time na gusto na niyang mag-quit sa showbiz ay niyaya na siya ng boyfriend na si Luis Manzano na magpakasal na lang, pero aniya, lagi naman daw ito ang joke sa kanya ng nobyo everytime na umiiyak siya.

Pero ang talaga raw ikina-touched niya ay nang sabihin din ni Luis na… “Sige, quit ka, ako ang bahala sa ‘yo.”

“So, ‘di ba, ‘yung feeling lang na may taong ganu’n sa akin? ‘Yung may assurance na hindi niya ako pababayaan? Siguro, ‘yun ‘yung mas nag-push sa akin na ‘Ah, hindi, lalaban ako, kasi lumalaban siya,’”

pahayag ni Jessy sa presscon ng The Girl in the Orange Dress na entry sa Metro Manila Film Festival 2018.

Magta-tatlong taon na raw ang relasyon nila ni Luis sa June, 2019 at may mga tsika ngang nag-propose na ang boyfriend sa kanya, pero aniya ay wala pa talagang proposal.

Pero if ever ba na magka­ro­on ng proposal, handa na siya?

“Alam naman niya ang sagot ko ru’n. Pero feeling ko, parang tinatantiya pa niya, eh. Ayaw niya munang i-cut short itong nararamdaman ko.”

Paano ‘pag binigla siya ni Luis ng proposal? Madi-disappoint ba ito sa magiging sagot niya?

“Ay, hindi, hindi siya madi-disappoint,” ang mabilis na sagot ng aktres.

Binibiro nga siya kung kelan ba talaga magiging “the girl in the wedding dress” at aniya, hindi pa niya alam, pero siyempre, lahat naman daw ng babae ay ‘yun ang dream.

“Pero as of now, sobrang wala pa,” she said.

Ano ang masasabi niya na tanggap na siya ng buong pamilya ni Luis including his parents na sina Congresswoman Vilma Santos-Recto and Edu Manzano?

“Sana, sana naman. Hindi kasi, sobrang bait din nila, eh. Sobrang warm silang mga tao,” aniya.

At aminado rin naman si Jessy na reding-ready na talaga si Luis to settle down bilang hindi na rin naman bumabata ang kanyang boyfriend, pero ang problema nga ay hindi pa siya ready.

“Siguro, mga 3 years pa,” she said.

Samantala, aminado rin si Jessy na sobrang excited siya na makatrabaho si Jericho Rosales sa The Girl in the Orange Dress dahil crush na crush daw niya ito noon pang hindi pa siya artista at pinanonood pa lang niya sa TV.

“Simula Pangako sa ‘Yo days, crush ko si Echo. Simula nu’ng siya si Angelo (karakter ni Echo sa said series), siya ‘yung nagpaibig sa akin sa Pinoy teleserye. So, surreal po sa akin na makatrabaho ko ang crush ko and I think, I would like to believe na lumabas ‘yun sa mga eksena namin. So, ‘yun lang naman ang feeling, kilig,” sabi pa ni Jessy.

Showing on Dec. 25 mula sa direksiyon ni Jay Abello, kasama rin sa The Girl in the Orange Dress sina Sheena Halili, Hannah Ledesma, Ria Atayde, Nico Antonio, Via Antonio, Cai Cortez at Juan Miguel Severo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page