Out sa pagbisita ng Momoland sa 'Pinas… SAKIT NI YEONWOO, IBINULGAR!
- BULGAR

- Dec 4, 2018
- 2 min read

BALIK-PILIPINAS ang sikat na South Korean girl group na Momoland para sa isang exclusive meet and greet na in-organize ng aktor/direktor at may-ari ng Frontrow International na si RS Francisco.

Ang unang pagbisita nila sa bansa ay noong nakaraang Agosto ng taong ito para mag-perform sa isang exclusive and private event.
Kahapon nang 1 PM, ginanap ang meet and greet ng Momoland sa ABS-CBN Vertis Tent in Quezon City at bago ito ay nagkaroon muna ng press conference at 10 AM sa bagong opisina ng Frontrow sa Mother Ignacia St., Quezon City.
Kulang ang 9 members at 8 lang ang nakarating na sina Nancy, Hyebin, Taeha, Nayun, Jooe, Ahin, Daisy and Jane. Wala si Yeonwoo at ayon kay RS, may sakit ito.
“May high fever. Sorry sa mga Yeonwoo fans, ha? Ita-try natin siyang dalhin nang solo para sa inyo.
“Kasi, maraming nagme-message sa akin, ‘Ba’t ‘di kasama si Yeonwoo?’ So, isa-isa ‘yan, kailangan kong reply-an. Kasi, may lagnat po. Eh, hindi puwedeng mag-travel ‘pag may lagnat, ‘di ba?
“So, she was advised by her doctor na she cannot travel. Pero I was excited also to meet Yeonwoo,” sabi ni RS.
Ayon pa sa aktor/businessman, ang pagdadala niya sa Momoland sa bansa ay way niya ng pasasalamat sa mga loyal Frontrow distributors, gayundin sa mga Pinoy Merries (ang official fan club ng Momoland).
In person ay magaganda nga ang mga girls especially the very controversial Nancy na kamukha raw ni Liza Soberano. Naaliw kami na tina-try nilang mag-Tagalog at nagkamali pa si Joooe nang i-try niyang sabihin ang “Ready na po ba kayo?” pero naging “Ready na po ba karu?”
Inanunsiyo rin ni RS na ang grupo ang newest Frontrow ambassadress at naka-schedule magkaroon ng photo shoot ngayong araw na ito.





Comments