Todo-lampungan... SIGAW NG MADLANG PIPOL KAY ROCCO: KABABUYAN ANG GINAGAWA N'YO NI SOPHIE!
- Nitz Miralles
- Dec 3, 2018
- 2 min read

PANGAKO ni Rocco Nacino sa mga kaibigang reporters, magpapa-dinner siya kapag natapos na ang ipinapatayong bahay sa Antipolo.
Una itong ipinangako ni Rocco nu’ng sinisimulan pa lang ang construc-tion ng three-storey house at binabanggit niya ito every time na nakakausap ang mga kaibigang reporters.
Inulit ni Rocco ang pangako nang ma-interview siya sa taping ng dramedy ng GMA-7 na Pamilya Roces.
Excited ang aktor talking about the house na ipina-patayo para sa kanyang pamilya at sa magiging pamilya niya.
Kita ang excitement ni Rocco sa bahay na malapit na raw matapos at nagsisimula na siyang mamili ng mga gamit.
Nabanggit nito na hinihintay ni-yang magbukas ang Ikea para rito mamili ng mga gamit sa bahay.
Pero 2020 pa yata magbubukas ang Ikea, so, sa 2020 pa sila lilipat? Anyway, masaya si Rocco na napapansin ang acting niya sa Pamilya Roces at natuwa nang magalit ang mga viewers sa panloloko niya sa asawang si Crystal (Carla Abellana).
Ilonggo ang karakter dito ng aktor at nagpapaturo siya sa GF na si Melissa Gohing kung paano mag-deliver ng lines in Ilonggo at kung paano ang right accent.
Tinatawagan pa niya si Melissa kung may problema siya sa lines at accent. Nag-i-enjoy din si Rocco sa mga eksena niya rito dahil hindi madaling gawin gaya ng mga love scenes at kissing scenes nila ni Sophie Albert.
May mga nagrereklamo at kababuyan daw ang ginagawa nila ni Sophie. Samantala, nag-first taping na si Rocco para sa bagong show niyang The Healthy Juan.
Siya ang host ng weekly show tungkol sa degenerative diseases. Katulong ng GMA Net-work ang Department of Health sa medical show na airing this December. Bagay na host si Rocco dahil in real life, registered nurse siya.





Comments