top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit masyonda na, game na game… EDDIE, NAKIPAGHALIKAN SA KAPWA LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2018
  • 2 min read

KONTROBERSIYAL ang kissing scene nina Mr. Eddie Garcia at Mr. Tony Mabesa sa pelikulang Rainbow’s Sunset na entry ng Heaven’s Best Entertainment sa Metro Manila Film Festival 2018.

Sino nga ba namang mag-aakala na at their age, dalawang may-edad nang lalaki na may pusong babae ang lalantad para aminin ang kanilang relasyon, to think na ang role ni Tito Eddie sa Rainbow’s Sunset ay may asawa’t mga anak na pare-pareho nang propesyonal, ha?

Gaganap na asawa ni Eddie si Ms. Gloria Diaz habang ang kanilang tatlong anak ay gagampanan nina Tirso Cruz III, Aiko Melendez at Sunshine Cruz.

Trailer pa lang ang nakita namin ay ramdam na agad ang suntok sa puso ng ilang eksena ng family drama film na ito.

Kaya naniniwala kami sa sinabi ni Tito Eddie na hindi man fantasy o comedy ang kanilang panlaban sa MMFF ay positibo siyang panonoorin ang pelikula dahil sa magandang istorya at aral na hatid nito sa bawat pamilya.

Anyway, wala kaming idea tungkol sa personal life ni Tito Eddie dahil ayaw na ayaw niyang pag-usapan ito sa kanyang mga interviews. Ang katwiran niya, hindi na niya dapat ikuwento pa ang kanyang private life sa publiko dahil hindi naman ito makakatulong para kumita ang pelikula.

Pero nang tinanong namin siya kung in real life ba ay nagpakasal siya, sabi niya ay oo naman at namatay na ang kanyang asawa.

May nakikita kaming kasa-kasama niya sa ilang events na mas bata sa kanyang girl (around 40 or 50 yrs. old siguro) at paglilinaw ni Tito Eddie, hindi raw ito selosa at tanggap ang trabaho niya bilang aktor. Kaya nga kahit may kissing scenes pa siya sa movie ay okay lang.

Sabi pa ni Tito Eddie, wala siyang inaayawang roles. Basta trabaho ay ginagawa niya.

No wonder na lahat na yata ng roles ay nagampanan niya aside from one, “Ang maging leading lady,” pabiro nitong sabi. O, ‘di ba, may sense of humor pa rin talaga si Manoy?

Anyway, also in the cast of Rainbow’s Sunset are Max Collins, Jim Pebanco, Tanya Gomez, Sue Prado, Marcus Madrigal, Noel Comia, Ross Pesigan, Ali Forbes, Adrian Cabido, Hero Bautista, Vince Rillon, Zeke Sarmenta (panganay nina Harlene at Romnick Sarmenta na producers ng film), Nella Marie Dizon (anak ni Allen Dizon), Ace Merfel, Benz Sangalang at Celine Juan.

May special participation si Albie Casiño at introducing sa movie si Shido Roxas.Isa na namang family drama ang Rainbow’s Sunset na mula sa direksiyon ni Joel Lamangan at showing sa Dec. 25, 2018.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page