top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit 'di rin siya kasama sa X'mas station ID… JAYA, WALANG PAKI NA TODO-EMOTE SINA JANNO AT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 3, 2018
  • 2 min read

INULAN ng mga tanong ang Queen of Soul na si Jaya tungkol sa mga kaibigan at Kapamilya singers sa blogcon ng nalalapit na concert niya with international artist na si Patti Austin na gaganapin sa Theater at Solaire on December 6. Kasalukuyang nasa Amerika si Jaya nu’ng naglabas ng kani-kanilang saloobin sina Janno Gibbs sa ‘di niya pagkakasama sa Christmas Station ID ng ABS-CBN at Divine Diva Zsa Zsa Padilla sa pagkawala nito sa bagong format na A.S.A.P. Natin ‘To.

Nag-concert si Jaya with Lani Misalucha at may show siya for TFC sa Florida, USA. Then, nagstay pa siya nang ilang weeks to visit her mother-in-law na nasa hospital for six months.

“‘Yun nga, eh, wala pa ako saChristmas Station ID. Lungkot nalungkot ako, oo. Hindi, nandito akonu’ng kay Regine (Velasquez), pero‘yung Station ID, wala ako. Pero‘yung sa Christmas Special, kasama ako,” paniniyak ni Jaya.

Palagay niya, isasama naman siya sa Christmas Station ID ng Dos kahit sa video lang kung ‘di man sila isinama sa recording ng iba pa niyang kapwa hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime. “Napakalaking blessing for me ng TNT ng Showtime, bilang kasama nga ako sa Tawag ng Tanghalan, bilang nagbigay din ng pangalan sa akin ulit, at ibinabato ako sa iba’t ibang parte ng mundo.

Nakagawa ako ng maraming TFC shows and events. Kaya talagang bagong lipat pa lang ako, bagong TNT ako noon, ang dami na — TFC, kung saan-saan na ako lumipad,” kuwento niya. Tsika pa niya, “Hindi na kami kilala sa pangalan. Hurado na lang.

‘Uy, si Hurado,’ hahaha! ”Very flattering pa rin daw noon para sa kanya kasi parang may role siya sa isang teleserye na nag marka sa mga tao.

With regards sa bagong format ng A.S.A.P., naniniwala si Jaya na nagkaroon ng mga bagong followers ang show. Although, may mga bashers naman ang sinisisi si Regine sa pagpasok sa A.S.A.P. at pagkawala ng ibang singers sa show. “Eh, may boss din naman si Regine, ‘di ba?

Merong mga nagdedesisyon para sa mga programs. May mga bossing, so, kung ‘yun ang gusto ng bossing for the moment, so be it. I’m sure, marami pang changes ‘yan sa mga darating na panahon.

So, abangan. Ano ang mangyayari pa? Alam mo na, maraming talents ang ABS, so, I’m sure, marami pa yan na papasok ulit,” pahayag ni Jaya. Natawa naman kami sa sagot ni Jaya when we asked her kung may tampo ba siya sa ‘di niya pagkakasama sa bagong format na A.S.A.P..

“Masayang-masaya ako na naglalaba every Sunday. Hahaha! ”Tungkol kina Janno at Zsa Zsa, idinaan ni Jaya sa biro na may pagkaseryoso narin ang kanyang sagot.“Eh, bakit sa akin ninyo itinatanong? Eh, ako nga ‘yung wala, Whoa! ”Tama naman siya.

Pero siyempre, we want to get her reaction bilang kaibigan din naman niya ang mga binanggit na singers. “Si Zsa Zsa, hindi kami nagkakausap. Pero ‘pag nag ge-guest ako noon sa A.S.A.P., then, tsika. Tsika galore.

Ayoko ring itanong kasi hindi rin business ‘yun, unless magkukuwento siya. Hindi ko nga rin kasi alam kung ano ang dahilan,” sabi pa ni Jaya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page