top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pinay OFW sa Kuwait, nagpakamatay o pinatay?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 30, 2018
  • 1 min read

ISA na namang pamilya ang nagluluksa sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay na nagtatrabaho sa malayo.

May Pilipino na namang namatay sa ibang bayan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, namatay ang Pinay matapos mapaulat na tumalon ito mula sa ikatlong palapag ng bahay ng kanyang amo sa Kuwait noong November 27.

Bagama’t, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon, hindi natin ma­iwasang magtanong, panibagong kaso na naman ba ito ng pang-aabuso sa OFW?

Nagpakamatay ba siya o pinatay?

Kung suicide talaga ang nangyari, ano ang kanyang dahilan?

Nakapanlulumo na may namatay na naman habang nasa trabaho at habang nasa malayo. Hindi malaman ng pamilya kung ano talaga ang nangyari. Ang malinaw, isang mahal sa buhay ang kanilang sasalubunging bangkay.

“Kung may trabaho lang sana sa Pilipinas na pipigil sa kanila para umalis...”

Sabay may hihirit, “kagustuhan nila ‘yan!”.

Sino ba ang may gustong malayo sa pamilya para kumita ng pera?

Sino ba ang may gustong makipagsapalaran sa malayong lugar, tratuhing alipin o patayin para may ipambuhay sa pamilya?

Sana, magkatotoo ang minsang pangarap ng ating pangulo na wala ng mga Pinoy ang mapipilitang mag-abroad para kumita.

At sa mga may kaanak na OFW na galit kapag tinatawagan, mabait kapag may padala, makonsensiya naman kayo.

Hindi n’yo lang alam na ‘yung ilang minutong makausap lang ang mga magulang, kapatid o anak ay para na silang nabubuhayan ng loob, nawawala ang pagod.

Kunsabagay, maliban sa mga kapwa nila OFW, walang ibang nakaaalam kung paano o ano ang buhay na mayroon sila.

Pero, huwag na nating hintayin na mahuli ang lahat. Pahalagahan natin sila. Gumawa tayo ng paraan na umuwi na lang sila kaysa isinasakripisyo ang kanilang buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page