top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Palit-expiration date sa mga produktong pang-noche buena, buking!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 29, 2018
1 min read

MINSAN, sa galing dumiskarte ng mga Pinoy, pati sa paggawa ng kalokohan, ginagalingan.

Kung paano tayo bumibilib sa mga ka­ba­bayan nating matiyaga at tapat sa paghaha­nap­buhay, may ibang hindi natin alam bakit mas pinipiling kumapit sa patalim.

At iba’t ibang raket ‘yan depende sa panahon.

Tulad ngayon, Christmas Season, ang target ng mga pasaway ay ang mga panindang magiging mas mabenta.

Ang siste, ‘yung mga produktong malapit nang ma-expire, nilalagyan ng panibagong expiration date.

Kaya mag-ingat sa mga bibilhing keso de-bola, spaghetti sauce, keso, ketchup, margarine at iba pang pang-noche buena. Unang-una, piliin ang lugar na pagbibilhan, doon tayo sa legal, pangalawa, suriing maigi ang label.

Iwasan nating mabiktima, hindi lang pera ang isyu rito kundi higit sa lahat, ang kalusugan ng pamilya. At sa mga pasaway naman d’yan na gumagawa ng kabulastugan para lang kumita, magbago na kayo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page