Napikon, sumabog! KRIS, TINAWAG NA PLASTIC NG NETIZEN, TODO-PATOL
- Nitz Miralles
- Nov 26, 2018
- 1 min read

BACK to work si Kris Aquino and this Monday, may Christmas endorsement shoot sila nina Josh at Bimby. Kung para saan, malalaman din natin.
Sinagot pala ni Kris ang regular basher niya na nag-comment na may promo ng isa niyang endorsement ang video post niya with her sons at tinawag siyang “plastic”. Ang pinakabongga sa sagot ni Kris ay ang sinabi niyang, “Bago mo kami husgahan, tapatan mo muna ang SIPAG namin.”
May pahabol pa siyang message sa basher na, “I challenge you, tapatan mo ‘yung work ethic & PROFESSIONALISM ko at lahat ng mapanghusgang panlalait pwede mong ibato sa akin. At hindi ako iimik.”
Bongga!





Comments