Makatang pinagkakaitan ng pag-ibig Ni: Joboy
- BULGAR

- Nov 26, 2018
- 1 min read
May mali ba sa akin?
Kaya hindi kita maangkin?
Masyado ba akong kinakabahan o sadyang
may iba ka lang nagugustuhan?
Hindi ba ako sapat?
Kaya maraming may gusto ng ihiwalay ka sa akin.
Ano ba, oh, aking sinta?
May magagawa pa ba ang aking mga kanta?
Kahit ang mga tula yata ay
wala na ring bisa.
Para mapaligaya at mapaibig pa kita.
Ikaw, sa akin ay nag-iisa.
Pakinggan mo ako, aking sinta.
Para sa’yo ang aking mga kanta — mga tula at anumang mga likha upang
matigil na ang aking pagluluksa.
Buksan ang mga tainga at puso nang mapansin ang aking pagdurugo.
Mensahe ng pag-ibig sa iyo at nang masagip mo ang nagdurusang ako.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments