Adidas is life, lodi! PAGKAIN NG PAA NG MANOK, HEALTHY
- BULGAR

- Nov 25, 2018
- 1 min read

ADIDAS minsan sapatos, pero madalas paa ng manok! He-he-he! Ikaw ba, beshy, kumakain ka ba ng adidas? Kung oo, good ‘yan dahil knows mo ba na maraming health benefits ang maibibigay nito sa ating katawan? Weh, ‘di nga?
Nakaugalian na nating mga Pinoy ang mag-ulam ng mga laman-loob tulad ng isaw ng baboy at manok, paa at ulo ng manok, dugo at marami pang iba.
Gayunman, ang alam lang natin ay may masamang epekto ito sa ating kalusugan lalo na kung ang paraan ng pagluluto ay pag-iihaw.
Pero, alam n’yo ba na ang paa ng manok o adidas ay maraming health benefits na maibibigay sa atin?
Ayon sa mga eksperto, ang paa ng manok ay mayaman sa collagen na nakagaganda ng balat at nakatutulong upang ma-absorb ng ating katawan ang calcium at protein.
Dagdag pa rito, ito rin ay nakai-improve ng immune system, nakagagaling ng injuries, nakapagpapalakas ng mga buto at mainam sa ating kuko at gums.
Bukod pa rito, kahit anong klase ng luto ay hindi nagbabago ang benefits na naibibigay nito.
Kaya oks lang daw kung adobo, inihaw o prito pa ang gawin ninyo dahil siguradong healthy pa rin kayo.
Sa una, nakatatakot talagang kumain nito, pero kapag natikman na ninyo ito, siguradong ang matitira na lang, eh, butu-buto.
Kaya naman para sa mga maselan diyan, try n’yo nang kumain ng adidas!
‘Ika nga, you only live once, kaya go, go, go, laban!
Gets mo?








Comments