top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Para sa mga tinatamad uminom diyan, read n‘yo ‘to, dali! BASO NA NAKAMO-MONITOR NG PAG-INOM NG TUBIG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 24, 2018
  • 1 min read

HINDI ba uma­abot sa 8 baso ng tubig ang naiinom mo sa isang araw, beshy? Don’t worry, dahil may naimben­to ng mug na kayang mag­paalala sa’yo na kailangan mo nang umi­nom ng tubig. Wow!

Ang mug na ito ay tina­tawag na Droplet kung saan kaya nitong ma-detect kung kailan ka huling uminom ng tubig mula sa mug.

Mabibili bilang set ang Droplet at naglala­man ito ng smart base, tumbler at plas­tic lid. Ang smart base ay may­roong sensor na kayang maka-detect kung wala nang lamang tu­big ang mug.

Samantala, nagagawa nitong ipaalala sa user na ka­ilangan na niyang umi­nom ng tubig sa pama­magitan ng recorded mes­sage at ilaw na mangga­galing sa smart base.

Ayon sa mga nakabili at nakasubok na ng Drop­let, 63 porsiyento sa ka­nila ang may karagda­gang 500ml ng tubig na ini­inom sa bawat araw.

Dagdag pa ng mga nakaimbento nito, ang mug ay ginawa para sa mga taong madalas ma­kalimot at tina­tamad na uminom ng tubig.

Kaya ang payo ng mga eksperto, hu­wag kali­l­imu­tang umi­nom ng 8 hang­gang 10 baso ng tubig araw- araw nang sa gayun ay ma­iwasan ang de­hydra­tion o iba pang sakit.

Oh, ayan, mga beshy, wala na tayong dahilan para makalimutan ang pag-inom ng tubig dahil may solusyon na para rito.

Stay hydrated. Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page