top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Nanay na dehins na matiis ang trato ng manugang

  • ROMA AMOR
  • Nov 24, 2018
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Rosita, 52 years old na ako. May high blood ako at kasalukuyang nakikitira sa bahay ng aking panganay na anak. Si Joseph ay may asawa na, kaya lang hindi ko makasundo dahil madalas akong siga­wan at gutumin. Sa totoo lang, ayaw ko na talagang makitira sa kanila, pero wala naman akong ibang ma­pupuntahan. Hindi ko na kaya ang pagtrato sa akin ng manugang ko. Ano ang gagawin ko? Sana, mabigyan ninyo ako ng payo. — Rosita

Rosita,

Nakalulungkot naman ang ibinahagi ninyo sa amin, ‘Nay Rosita, ang maipapayo namin sa inyo ay kung ganyan na ang trato sa inyo ng iyong manugang, mainam kung lalayuan n‘yo na siya dahil baka mas lalo pa kayong mapahamak niyan. Puwede rin na kausapin ninyo ang inyong anak na si Joseph nang sa gayun ay mapagsabihan niya ang kanyang asawa. Hiling namin na magkaayus-ayos na kayong lahat ngayong darating na kapaskuhan. God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page