top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Fans, bawal daw tumawad… CARLA, NAGBEBENTA NA NG MGA BRANDED NA GAMIT

Nitz Miralles
Nov 23, 2018
1 min read

TUWANG-TUWA si Carla Abellana sa positive feedback ng mga viewers sa episode ng Pamilya Roces last Wednesday na may hashtag na #PRHuliSaAkto kung saan nahuli na rin finally ni Crystal (Carla) ang pagta­taksil ng asawa niyang si Hugo (Rocco Nacino) at kapatid niyang si Amber (Sophie Albert).

Matagal nang hinihintay ng mga viewers na mahuli ni Crystal ang asawa at kapatid at para sa kanila, kulang ang sampal, suntok at sabunot na ibinigay ni Carla sa mga nanloko sa kanya.

Gusto ng mga viewers na sapukin ni Carla si Sophie at paulit-ulit na iuntog sa kotse.

Pangako ni Carla, “Marami pa kayong mga sampal, tulak, suntok, sabunot at iyak na dapat abangan.”

Sa tuwa ni Carla, ipinost nito ang positive comments ng mga viewers sa ganda ng episode at galing niyang umarte.

“MARAMING MARAMING SALAMAT PO sa lahat ng nanood ng #PamilyaRoces. Nakakataba ng puso ang inyong mga pagbati at papuri,” pasa­salamat ni Carla.

Gusto rin ng mga viewers na hiwala­yan na ni Crystal si Hugo at sila na lang ni Atty. Ralph Gomez (Christian Bau­tista). Kung pakikinggan ng GMA-7 ang mga fans nina Carla at Tom Rodriguez, gusto nilang puma­sok sa dramedy si Tom para siya na ang maka­pareha ni Carla.

Speaking of Carla, bongga ang pre-loved items na ibinebenta niya sa GMA Celebrity Ukay-Ukay dahil karamihan ay mga branded bags gaya ng Prada, Hermes at Tommy Hilfiger, YSL shoes at Gigi Hadid blazer.

May panawagan lang si Carla, bawal tumawad dahil binabaan na niya ang price ng mga ibinebenta niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page