Ni-reformat pa para sa Asia's Songbird… BAGONG SHOW NI REGINE SA DOS, TINALO NG KATAPAT SA SIYET
- BULGAR

- Nov 21, 2018
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KUNG inaakala ng longest-running Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na A.S.A.P. na mas tataas ang kanilang ratings sa ginawa nilang pagri-reformat at naging A.S.A.P. Natin ‘To na nga ang title nito ngayon kasabay ng pagpasok ni Regine Velasquez, puwes, nagkakamali sila, dahil sa lumabas na Kantar Media National TV Ratings nitong Nov. 18, mas mababa pa rin ang nakuha nilang ratings at tinalo na sila ng kalabang show na Sunday PinaSaya ng GMA-7.
Base sa ratings, nakakuha ang A.S.A.P. Natin ‘To ng 5.7% laban sa 6.3% ng Sunday PinaSaya.
Ano naman kaya ang iba pang pakulo na gagawin ng A.S.A.P. Natin ‘To para bumalik sila sa pagiging No. 1?





Comments