Lineman todas sa kuryente
CAGAYAN—Isang lineman ang namatay nang makuryente habang inaayos ang linya ng kuryente sa loob ng tanggapan ng PNP-Region 2 sa Tuguegarao City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Saldifer Espanto, residente ng bayan ng Alcala sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, habang nasa bubungan ng tanggapan ng PNP-Region 2 office si Espanto ay napahawak umano ito sa live wire kaya nakuryente ang biktima.
Dinala pa ng mga awtoridad si Espanto sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments