top of page

Kung dehins tumatalab ang teeth whitening mo, lodi! AGUA OXINADA, KERING MAKAPUTI NG MGA NGIPIN!

  • Jersy Sanchez
  • Nov 17, 2018
  • 1 min read

KILALA ang hydrogen peroxide o agua oxinada bilang panlinis ng mga sugat. Pero, alam ba ninyo na puwede rin itong gamitin bilang pampaputi ng mga ngipin?

Wow!

Ayon sa mga eks­perto, ang kadalasang nabibili na hydrogen peroxide sa mga bo­tika at supermarket ay nagdi-dilute rin ng tatlong porsiyento.

Samantala, luma­bas sa pag-aaral na ang dilution ay mai­nam sa paggamit ng hydrogen peroxide bilang pam­paputi ng mga ngipin.

Sa isinagawang pag-aaral ng mga eksperto, 10 hanggang 20 porsiyento ng diluted hydrogen peroxide ang inilagay nila sa extracted na ngipin ng tao. Napag-alaman nila na ang mataas na porsiyento ng diluted hydrogen peroxide ay maaaring makasira ng mga ngipin.

Kaya naman inirerekomenda ng mga ito na gumamit ng mas mababang porsiyento ng solution upang maging epektibo itong pampaputi ng mga ngipin.

Para magawa ito, simple lang ang dapat ninyong gawin, pag­haluin ang dalawang kutsara ng baking soda at isang kutsara ng peroxide. Maaa­ring magdagdag ng peroxide hanggang maging paste ang consistency nito.

Gumamit ng toothbrush upang mailagay ito sa mga ngipin at ibabad ito sa loob nang dalawa hang­gang tat­long minuto. Pagka­tapos ay magmu­mog ng maligamgam na tubig.

Gawin ito ng tatlong beses sa isang linggo hanggang sa ma-achieved ang kumikinang at mapuputing mga ngipin. He-he-he!

Kaya para sa mga beshy natin na gusto ng maputing ngipin, subukan na ito upang mas confident ka nang ngumiti at umawra-awra.

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page