Search
  • Erlinda Rapadas

'Di na hinintay na sumikat ang araw… MARTIR NA AKTRES, TINURUAN LANG NG MGA ANAK NA IWAN NA NILA

BLIND ITEM:

SA paglantad ng bagong pamilya ng kontrobersiyal na aktor, siguradong hindi na magri-react at masasaktan pa ang kanyang ex-wife. For sure, noon pa man ay alam na niyang babaero ang tatay ng kanyang mga anak. Hindi na talaga magbabago pa sa pagiging playboy ang kanyang pinakasalan.

Maraming taon din ang ipinagtiis at isinakripisyo ng maganda at sexy pa ring aktres na pinakasalan ng kontro­bersiyal na aktor. Sinikap niyang isalba ang kanilang marriage alang-alang sa tatlo nilang anak.

Pero, may hangganan din ang lahat ng pagtitiis. Mis­mong ang mga anak na niya ang naawa at nagpayo na iwan na nila ang maligalig na aktor.

Nagsampa ng annulment ang magandang aktres upang mapawalang-bisa ang kasal nila ng aktor. Inabot din nang apat na taon bago tuluyang na-grant ang annulment. Naka­hinga na nang maluwag ang martir na aktres. Malayang-malaya na siya ngayon at makakapagsimula ng bagong buhay.

Marami mang properties ngayon ang kanyang ex-husband ay hindi siya interesado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.