Search
  • BULGAR

Anti-Palo Bill, lusot na!

“PASLIT, patay sa gulpi”. Ilang insidente na rin ng pananakit sa mga bata ang nauwi sa pagkamatay.

Kaugnay nito, isang panukalang-batas ang isi­nu­long ngayon at pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.

Sa botong 160 “Yes” at dalawang “No”, inaprubahan ang House Bill 8239 o kilala bilang “Positive and Non-Violent Discipline of Children Act” na binansagang Anti-Palo Bill.

Sa pamamagitan nito, iniuutos ang positibong uri ng pagdidisiplina sa mga bata upang hindi malabag ang karapatan ng mga ito at hindi maging marahas kapag lumaki.

Sinuman ang sumuway, dapat na isumbong sa barangay officials o sa pulisya.

Samantala, kapag matindi ang pananakit o pagpapahiya sa bata, maaaring irekomenda ng barangay chairman ang temporary protection order. Isasailalim naman sa seminar sa positibong paraan ng pagdidisiplina, anger management, children’s rights, counseling at therapy ang lumabag sa batas.

Kung matindi ang pagparusa sa bata, rito na papasok ang pagsasam­pa ng kaso base sa Revised Penal Code.

Samantala, hindi lamang sa bahay ipagbabawal ang marahas na uri ng disiplina kundi pati sa paaralan at iba pang institusyon tulad ng alternative care system, juvenile welfare system, Simbahan at iba pang lugar kung saan may mga menor-de-edad.

Kaya sa mga mabibigat ang kamay d’yan, ito na ang batas na swak sa inyo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.