Magsasaka tepok sa gunman
Pabs Hernandez III
Nov 10, 2018
1 min read
PANGASINAN—Isang magsasaka ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Quezon Blvd., San Carlos City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Roberto dela Cruz, residente ng Bgy. Balete Sur sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, kababa lang ni Dela Cruz sa tricycle nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments