Search
  • Thea Janica Teh

Taralets na sa Quezon City Trade Shows and Exhibit 2018!

HELLO, Bulgarians! Noon, para makapag-umpisa ng negosyo ay kailangan muna nating makaha­nap ng magandang puwesto kung saan magiging mabenta ang ating produkto. Pero ngayon, sa isang post lang natin sa ating social media account ay sure na maibebenta na agad!

Kaya naman swak na swak sa panahon ngayon ang naganap na seminar sa QC Small Business Development and Promotion Office. Ito ay ang Digital Literacy and Online Business na pinangunahan ni Ronaldo Cabaccang, isang certified digital marketer. Maraming application sa phone tulad ng Lazada, Shoppe at pati na rin ang Facebook live selling ay isa ng business. Hindi lang ‘yan, dahil pati ang travel agent, solopreneurship, e-store at blogging ay ilan lang sa mga tinatawag na business! Ibinahagi ni Cabaccang kung paano magiging successful ang online selling at kung paano rito kikita.

Bukod pa rito ay nagkaroon din ng Basic Bookkeeping ang UP Junior Philippine Institute of Accountants para ituro sa mga gustong magsimula ng business ang tamang paggamit ng puhunan at ang pag-record ng lahat ng gastos sa pagsisimula ng negosyo.

Ilan lamang ‘yan sa nangyari sa week long activities sa Quezon City noong Oct. 15-26 at abangan silang muli ngayong Nov. 5-16 para sa iba pang tips sa pagnenegosyo. Magsasama-samang muli ang mga aspiring entrepreneurship para maipakita ang kani-kanilang produkto na tunay ngang maipagmamalaki ng mga taga-Quezon City.

At para sa latest update sa mga aktibidad na ito, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook. com/QCSikapBuhay. Kitakits tayo!

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.