Search
  • BULGAR

Na-guilty sa pang-iiwan sa Siyete… REGINE, AMINADONG MADALAS ATAKIHIN DAHIL SA PAGLIPAT SA DOS

Mercy Lejarde / SHOWBIZ TALKIES



Sa preskon ng Regine at The Movies concert on Nov. 19, 24, 25, sinabi ni Regine Velasquez ang kanyang naramdaman nang umalis siya sa poder ng Kapuso Network at hindi raw niya pinaplastik ang GMA-7 nang sabihin niya ang mga katagang… “Actually, parang hindi pa nga ako sanay na nakikita ko ‘yung sarili ko sa ABS.

“I can’t really explain how I feel. I’m very excited and very happy pero weird pa ‘yung feeling ko. Siguro, I need to get used to the idea,” pahayag ng bagong Kapamilya artist.

Aminado siyang hanggang ngayon ay tila may separation anxiety pa siya dahil hindi naman daw biro ‘yung 20 years na pamamalagi niya sa GMA-7 na napa­karami niyang kaibigan na minahal du’n.

Nagte-taping daw siya noon ng The Clash, nagkaka-anxiety attack na siya na madalas ay natutulala na lang daw siya sa trabaho.

“Kasi nu’ng time na ‘yun, nakapag-decide na ako, but I’m still doing The Clash. I feel like I’m in between. Alam mo ‘yung inaabutan ako ng asawa ko na nakatulala ako?

“Hindi ko alam how I would feel, and then whenever I go to work, kung sino ‘yung nasasalubong ko, iniiyakan ako.

“Parang namamahay ako nang konti. Alam mo ‘yung namamahay ka pero excited ka naman. Excited ako sa lahat ng possibilities na puwede kong gawin.

“At the same time, may konting lungkot. Siyempre, ang dami ko namang mga kai­bigan na naiwan na minahal ko,” ang ma-emote na pahayag ni Asia’s Songbird during the Q&A portion sa Regine at The Movies presscon kung saan ang guest niya sa first night ay si Piolo Pascual, si Sharon Cuneta sa second night at si Daniel Padilla sa third night.

Si Raul Mitra ang musical director at si Paolo Valenciano ang director ng nasabing three-night concert.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.