Search
  • BULGAR

Pahiwatig na matatapos na ang mga paghihirap at magkakaroon na nang maginhawa buhay

Socrates Magnus

Salaminin natin ang panaginip ni Bernadette ng Bernadette_ Tranate@facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko tungkol sa sapatos na kulay puti na may design na bulaklak, pero nu’ng isinuot ko ay masikip ito sa akin?

Naghihintay,

Bernadette

Sa iyo Bernadette,

Hindi madali ang magkaroon ng magandang kapalaran dahil ang katotohanang ito ay nakabase sa sinabi ni Lord Jesus Christ na “ang daan para sa walang hanggang buhay ay masikip at mahirap lakarin.”

Napansin mo ba na ang panaginip mo at ang sinabi ni Lord ay magkatulad?

Ngayon palang, binabati na kita dahil ang mensahe ng iyong panaginip ay nagsasabing matatapos na ang iyong paghihirap at ikaw ay nahaharap ngayon sa kasaganahan ng buhay.

Pero, may kailangan ka pang malaman at ito ay nagsa­sabing hindi ka puwedeng manatili sa inyong bahay. Ano ang puwede mong gawin?

Una, magsaya o mamasyal ka at isuot mo ang paborito mong sapatos, pero huwag ‘yung rubber shoes.

Habang namamasyal ka, dapat ay masaya ka at may matatamis na ngiti sa iyong mga labi, gayundin huwag kang sisi­mangot, kaya hindi mo dapat isipin ang mga problema.

Dahil ang ngiti sa mga labi o ang masayang persona­lidad ay ang mismong tinutukoy sa panaginip mo na mga bulaklak.

Tandaan mo, kung ano ang laman ng isip ng tao, ‘yun din ang magiging laman ng kanyang puso at kung ano ang sina­sabi ng isip niya, ‘yun mismo ang susundin ng kanyang ka­tawan.

Ito, Bernadette, ang nakatagong dahilan sa likod nang madalas mong marinig na “think positive”! Magtiwala ka sa sinabi ni Jesus, dahil higit kaninuman, sa Kanya dapat tayo naniniwala.

Gayunman, bago tayo maligaw ng paksa, may isa pang sinabi si Lord, ang sabi Niya ay kahit kailan hindi maganda sa tao ang nagdadalawang-isip. Kaya dapat, huwag kang mag-aalinlangan.

Kaya kung babalikan natin ang iyong panaginip, kahit masikip ang sapatos mo, isuot at gamitin mo pa rin ito dahil tiyak na dadalhin ka nito kung saan makahaharap mo ang katuparan ng iyong malalaking mga pangarap.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.