Search
  • Pabs Hernandez III

Most wanted nasakote

TARLAC—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Calabangan, Mayantoc sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Feliciano Baquiri, residente ng nabanggit na barangay.

Nabatid na dinakip ng pulisya si Baquiri sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong homicide sa Ilocos Norte.

Hindi nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.