- BULGAR
Kahit tawagin pang masyonda na at sablay ang boses… REGINE, NEVER NANG BABALIK SA SIYETE
Erlinda Rapadas / TEKA NGA

WALA na ngang magagawa pa ang mga tumututol at nagagalit sa ginawang paglisan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa GMA Network. Tapos na ang pirmahan ng kontrata. May bago nang buhay si Regine at magkakasama na sila ni Ogie Alcasid sa mga shows na ibibigay sa kanila ng Dos.
Kahit na ano pang paninira at body shaming ang ibato nila kay Regine, wala nang mababago pa.
Masakit din naman para sa Asia’s Songbird na matawag na masyonda na at sumasablay na ang boses.
Move on-move on na lang ang lahat at bigyan na ng katahimikan sina Regine at Ogie. Ganyan lang talaga ang buhay!