Search
  • Pabs Hernandez III

ARMY official dedo sa NPA

CAMARINES SUR—Isang opisyal ng Philippine Army (PA) ang namatay at isa pang sundalo ang sugatan sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at New People’s Army (NPA), kamakalawa sa Bgy. Manga, Bato sa lalawigang ito.

Hindi na muna pinangalanan ang dalawang biktima hangga’t hindi pa naipararating ng mga awtoridad sa kanilang pamilya ang nangyari sa dalawang sundalo.

Nagpapatrulya umano ang sundalo nang makasalubong ang mga rebelde at dito na naganap ang engkuwentro na ikinamatay ng army official at tauhan nito.

Tinutugis na ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na rebelde.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.