Search
  • BULGAR

Para raw tipid na masustansiya pa…   LANZONES, KERING PANGGAMOT SA ULCER!

Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

PANAHON na ng lan­zones, beshy, kaya naman marami na naman ang nagtitinda nito sa palengke. Pero, bukod daw sa likas na itong masus­tansiya, knows ba nin­yong ma­­aari rin itong pangga­mot sa ulcer? Weh, ‘di nga?

Ang lanzo­nes ay nabubu­hay lamang sa mga bansang may tropical wea­ther, ito ay ma­yaman sa mga bita­mina tulad ng Vitamins A, B, at C, riboflavin, ascorbic acid, niacin at marami pang iba.

Gayunman, ayon sa mga eksperto, bukod sa mga bitaminang na­bang­git, ang lanzones din umano ay nakabu-boost ng immune system at nakapagpa­patibay ng mga ngipin. Ito ay dahil sa taglay nitong phos­po­rous at calcium, ga­yun­din epek­tibo uma­no itong pam­papayat, kaya sa mga beshy natin diyan na bet nang mag­ba­was ng timbang, alam n'yo na!

Samantala, kung mayroon ka­yong iniin­dang sakit ng tiyan dahil sa ulcer, don’t wor­ry dahil mukhang nahanap na nin­yo ang gamot para riyan dahil natuklasan sa pag-aaral na ang lanzo­nes daw ay nakabubuti sa ating digestion process.

Dagdag pa rito, epek­tibo itong panlaban sa cancer sa bituka dahil mataas ito sa fiber, calories, minerals at iron.

Samantala, kung worried kayo sa inyong pagtanda, keri rin 'yang gamutin ng lanzones dahil mayroon itong antioxidant properties.

Kaya kung makaka­kita kayo ng lanzones, beshy, eh, ‘wag na kayong magdalawang-isip pang bumili lalo na kung pasok naman sa budget ang presyo nito.

Oh, ayan mga beshy, tipid na masustansiya pa, ano pa ang hinihin­tay ninyo? Bili na! Hi-hi-hi!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.