- BULGAR
Para sa mga puyat everyday, read n’yo ‘to, dali! PAGIGING TAHIMIK, EPEKTIB NA PANLABAN SA INSOMNIA!
Donna Thea Topacio/ Gulat ka 'noh?!

NAKATIRA tayo rito sa mundo kung saan punumpuno ng kaingayan dahil sa mga bagay na nakapagpo-produce ng tunog, gayundin ang kakilala nating nasobrahan sa kadaldalan. He-he-he! Pero, alam ba ninyong ayon sa mga eksperto, ang katahimikan ay epektibo umanong panlaban sa insomnia at marami pang iba? Aha!
Sa pag-aaral ng mga dalubhasa, sinabi nilang ang pagiging tahimik ay mayroon umanong naidudulot na maganda sa ating kalusugan.
Una na rito ang ating memory kung saan ayon sa pag-aaral na nai-published sa Proceedings of the National Academy of Sciences, natuklasan nila na kapag tahimik ang isang tao, mas nagiging focused siya sa pag-alaala sa mga bagay na maaaring nakalimutan na niya.
Gayundin, napagaganda nito ang ating physical health at well-being kung saan nare-reduce nito ang pagkakaroon ng atake sa puso at paghina ng immune system.
Samantala, ang ingay ay may epekto sa ating pagiging stress dahil lalo nitong nae-elevate ang lebel ng ating pagkainis at pagka-pressure, nangyayari ito kapag umaabot na sa ating utak ang sound waves na ating naririnig.
Dagdag pa ng mga eksperto, nalalabanan ng pagiging tahimik ang pagkakaroon ng insomnia, kaya sa mga beshy nating diyang hindi na kaya ang puyat, marahil, ito na ang sagot sa inyong problema.
Nalalabanan nito ang insomnia sa pamamagitan ng pagme-meditate kung saan naiaayos natin ang ating mindset at nakatutulong ito sa atin upang ma-train natin ang ating isip araw-araw para sa ating relaxation response.
Oh, ‘di ba, kaya better daw lodi kung kahit 5-10 minutes, eh, mananahimik muna tayo?
Huwag masyadong maingay para magkaroon ng peace of mind.
Gets mo?