top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Para sure na makuha mo ang position, beshy! TIPS PARA MAKAPASA SA JOB INTERVIEW

No Problem
Oct 21, 2018
2 min read

BAGO magsimula ang pasukan, marami rin ang nagsipagtapos ngayong Oktubre kaya naman, con­gratu­lations! For sure, sa hirap ng buhay, marami na sa ating mga beshy ang maghahanap ng trabaho. Kaya narito ang limang tips kung sa­kaling tawa­gan na kayo para sa in­yong job interview.

1. CONDUCT RESEARCH ON THE EM­PLOYER, HIRING MANAGER AND JOB OP­PORTUNITY. Ito talaga ang unang-unang dapat pag-aralan dahil for sure, kapag ikaw ay naimbitahan na para sa job interview, kasama ito sa mga itatanong sa iyo kaya dapat umpisa pa lang, alam mo na, beshy, kung anong landas ang tatahakin mo.

2. DRESS FOR SUCCESS. Talagang importante ang magbihis nang naaayon sa okasyon. Kaya, beshy, kung pupunta ka sa job interview, ‘wag kang magsu­suot ng sando, off shoulder, shorts at kung anu-ano pang informal attire kung ayaw mong papasok ka pa lang, palalayasin ka na. He-he-he!

3. ARRIVE ON TIME, RELAXED AND PREPARED FOR THE INTERVIEW. Walang excuse kapag na-late ka sa interview, beshy! Kaya dapat on time o kaya ay mas maaga kang pumunta. Mainam ito para magawa mo pa ang mga dapat mong gawin at nang maka­pag-relax ka pa. Mahirap na mamaya ay ayos na ayos ka nang uma­lis ng ba­hay, pero dahil late ka, nagulo na ang ayos mo, bagsak ka pa sa inter­view. Tsk!

4. MAKE GOOD FIRST IMPRES­SIONS. Isa sa pinaka-rule kapag ini-interview ay ang maging magalang at palabati. Dahil tiyak na ito ang tatatak sa mag-i-in­ter­view sa inyo, mga beshy. Kum­baga, ito ang ma­giging impression nila sa inyo kaya ‘wag kang maging barumbado o mahangin para sure na tatawagan ka pa rin!

5. REMEMBER THE IMPORTANCE OF BO­DY LANGUAGE. Yes! Isa na rito ang firm handshake dahil ito talaga ang pinakaimportante sa lahat. Gayundin ang smiling, eye contact, solid posture, active listening at nodding. Kaya hindi dapat mali ang maiparating mong body language, beshy, para sureball nang ang sasabihin sa iyo ay: “You’re hired!”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page